Official Website of Aparri Polytechnic Institute
Aparri, Cagayan – Ang TESDA-Aparri Polytechnic Institute ay walang humpay sa pagsagawa ng mga LIBRENG pagsasanay ayon sa mga pangangailangan ng mga trainees. Kahapon ay muling nagsagawa ng Trainees’ Induction Program (TIP) para sa mga Trainees ng Trainers’ Methodology Level 1 (TM1), hudyat ng umpisa ng kanilang pagsasanay. Sila ay kasama sa Training for Work Scholarship Program (TWSP). Sa pamamagitan ng kursong ito, ang mga trainees ay matutulungan na maunawaan ang work-based na pag-aaral at ang mga modalidad nito pati na rin ang mga aktibidad na bahagi ng pagpaplano, pagpapatupad at pagsusuri ng work-based na programa sa pagsasanay.
Lead Trainer: Robert C. Revilla, Ph.D.